
-mayee
SIYA: Maglaro tayo ng basketball
AKO: BAKIT?
SIYA: Para ako ang laging babantay sayo.
Namimiss na kita, prangkahan na. Kahit sobrang deny to the max ako sa mga nararamdaman ko sayo. Kasi, mas gusto kong IKAW ang una magsabe eh, hehe. NANGENGEELAM! pero masyado kang masunurin. Kasi hindi mo naman kinakalimutan sabihin sakin na mahal mo ako, na ako ang iniisip mo. At higit sa lahat. Sa pag sabe sakin na ako na yung babaeng hinihintay mo. Kuya! Hinay-hinay lang, at baka hindi kayanin ng puso ko!:) Namimiss na kita, namimiss kita. At namimiss kita. Nakapagsulat tuloy ako ng wagas sa blog ko ng wala sa oras. Dahil walang laman ang isip ko. Kungdi ikaw. At malamang-lamang! LOL kilala ka narin ng mga taong finofollow ko, at finofollow ako.:D Yung mukha mo, at lahat ng tawag at pinaguusapan naten pag pinapasaya mo ako. LOVER BOY!:) Salamat at pinapakilig, pinapaiyamot, pinaiinis at pinaparamdam mo sakin na mahalaga talaga ako sayo. IKA mo nga: hindi mo na kailangan magalala sa communication naten, kasi hindi ko hahayaan na mawalan tayo ng communication, kahit isang araw lang. Alam mo naman kasing ayun nalang ang meron tayo ngayon, diba? Pero gusto ko rin sabihin na ang EWAN MO! haha. Ang ewan mo lang diba? Kasi sino ang nagbigay sayo ng hintulot para makaramdam ako ng gantong pagmamahal?
:D
Mahal kita, at wala akong ibang maramdaman ngayon kungdi mahal kita, wala akong ibang kinakatakutan kungdi ang araw na baka masaktan mo lang ako, ayun din siguro ang dahilan kung bakit minsan nagmamatapang ako sayo at parang walang pakeelam sayo. Natatakot ako BOO. Ayoko na kasi yung pakiramdam na hahayaan akong magmahal ng isang tao, para lang maparamdam sakin na balewala lang ang lahat ng ginagawa ko. Alam mo yan, sobrang alam mo yan. At wala ka rin namang sinabe sakin, kungdi. Pagkatiwalan kita, sapagkat hindi mo naman hinayaan na mahalin kita. Para lang saktan ako.
Tiwala ba boo? alam mo namang medyo allergic na ako magbigay niyan. Kaya tulungan mo akong paniwalaan na hindi ako magsisisi pag ikaw ang binigyan ko nun.
Nasasaktan ako, malungkot pag malayo ka, pero kinakaya ko. Nadale mo kasi ako ng sinsabe mong ‘MAGIC MO’ hahaha! Ang lupet mo talaga kahit kailan, wag mo akong sasaktan. Kung ayaw mong maghalo ang BALAT SA TINALUPAN. Haaay. at kung ayaw mo talaga akong makitang umiyak. Oo! mukha talaga akong matatag at palaban, pero hawak mo ngayon ang puso ko. Alagaan mo nalang kuya, kasi medyo mahina-hina na yan eh, ginagawa lang niyan ang best niya. Para maparamdam sayo na kaya parin niya magmahal.